dzme1530.ph

Moira dela Torre, magsasampa nga ba ng kaso laban kay Lolito Go?

Kinukunsidera ng kampo ni Moira Dela Torre na magsampa ng legal complaint laban sa malapit na kaibigan at co-songwriter ng ilang sikat na kanta ni Moira na si Lolito Go.

Ito ay kasunod ng umano’y hindi katanggap-tanggap na post ni Go sa kanyang social media account na “manggagamit” ang singer dahil ilan umano sa kanta nito ay si Go ang sumulat ngunit hindi manlang daw siya kini-credit ni Moira.

Pinabulaanan naman ito ng mismong Vice President ng Cornerstone Entertainment, Inc. na si Jeff Vadillo.

Aniya walang katotohanan ang umano’y grossly inaccurate accusation ni Go at isa itong casting shade sa integridad ni Moira bilang artist at songwriter.

Pahayag naman ni Atty. Joji Alonzo, Filipino lawyer at film producer, na kahit gaano man aniya siya naniniwala sa pagbuo ng mapayapang co-existence, ang paglabas ng kasinungalinan ay hindi dapat pabayaan bagkus ito ay dapat kasuhan at magkaroon ng pananagutan sa batas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author