dzme1530.ph

RITM, ibabalik na ang COVID-19 RT-PCR testing

Balik serbisyo na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa kanilang COVID-19 RT-PCR testing.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health matapos isumite ng RITM ang mga requirement “for compliance” para muling makapag-operate.

Matatandang Huwebes nang pansamantalang itigil ng RITM ang RT-PCR testing para sa COVID-19 gayundin ang pagtanggap ng COVID appointment sa kanilang online portal.

Gayunman, wala namang ibinigay na dahilan ang RITM hinggil dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author