dzme1530.ph

Belarus, naka-heightened alert matapos bumagsak ang 4 na aircraft ng Russia

Naka-heightened alert ang Belarus matapos bumagsak ang apat na military aircraft ng Russia.

Sinabi ni Belarusian President Alexander Lukashenko, inalerto na niya ang kanilang sundalo kaugnay sa pinabagsak na mga eroplano ng military forces ng Ukraine sa borders ng Ukraine at Belarus.

Unang nang itinanggi ng Russia na ang Ukrainian forces ang nagpabagsak sa kanilang mga eroplano at iginiit na ito ay aksidenteng bumagsak.

Matatandaang pinaigting ng Ukraine ang kanilang opensiba laban sa puwersa ng Russia. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author