Paliliparin na ang kauna-unahang high-power hybrid rocket na ginawa sa Pilipinas.
Sa anunsyo na inilabas ng Philippine Space Agency (PHILSA), ang launching ng Tala Hybrid Rocket ay gaganapin sa Crow Valley sa Capaz, Tarlac sa May 19 at 21.
Ang hybrid rocket na ito ay nilikha ng mga space technology researchers, estudyante, at kanilang mga propesor mula sa St. Cecilia’s College-Cebu.
Taglay nito ang high tech features gaya ng flight sensors, GPS, dual parachute, at payload system na kayang magdala ng mga can satelite hanggang five kilometer sa atmosphere.
Nabatid na noong 2022 ay nagtulong-tulong ang PHILSA, Tala team at Philippine Air Force Research and Development Center para sa muling pagpapalipad ng naturang rocket. —sa panulat ni Jam Tarrayo