dzme1530.ph

Heat index monitoring ng PAGASA, dapat palakasin

Nais ni Senador Mark Villar na bumuo ng mga hakbangin upang mapalakas ang heat index monitoring ng PAGASA katulad ng alert system na ipinaiiral sa panahon ng kalamidad.

Sa kanyang Senate Resolution 590, hinimok ni Villar ang kaukulang kumite sa Senado na magsagawa ng inquiry in aid of legislation kaugnay sa kapabilidad ng PAGASA.

Sinabi ni Villar na ang kanyang resolution ay bunsod ng mga insidente kung saan maraming estudyante ang nahilo bunsod ng matinding init.

Layun anya ng pagdinig na i-assess ang kasalukuyang estado ng heat index monitoring at warning systems sa bansa, tukuyin ang posibleng epekto ng matinding init sa kalusugan at ekonomiya at alamin ang best practices at mga teknolohiya.

Dapat anyang magbigay din ng warning ang PAGASA sa sobrang init sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Binigyang-diin ni Villar na sa pamamagitan nito maraming buhay ang maisasalba.

Ipinaalala pa ni Villar na ang matinding init ay hindi lamang nakakaapekto sa kalusugan kundi maging sa agricultural at industrial sector. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author