dzme1530.ph

CAAP, nakatutok sa posibleng aftershock kasunod ng magnitude 5.3 na lindol sa Isabela

Patuloy na mino-monitor ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang posibilidad ng aftershock matapos muling yanigin ng 5.3 magnitude na lindol ang lalawigan ng Isabela.

Ayon sa CAAP, walang naiulat na pinsala sa mga paliparan matapos ang lindol.

Sa isinagawang inspeksyon ng CAAP sa mga pasilidad nito partikular sa runway wala namang naiulat na malubhang pinsala.

Gayundin ang mga pasilidad ng Tuguegarao Airport sa lalawigan ng Cagayan, maging sa Cauayan at Palanan Airport sa lalawigan naman ng Isabela.

Ligtas din at all accounted ang mga tauhan nito sa mga nasabing paliparan. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author