dzme1530.ph

28 katao na sakay ng lumubog na MY Dream Keeper sa Tubbataha Reef nakarating na sa Palawan

Lumapag na sa Puerto Princesa City, Palawan ang dalawampu’t walong katao na kasamang nakaligtas na lumubog na MY Dream Keeper sa karagatang sakop ng Tubbataha Reef sakay ng BRP Melchora Aquino.

Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Captain Dennis Rem Labay ng Palawang District ang pagsalubong sa mga survivor.

Iniulat ng PCG- BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) na walang ring bakas ng oil sheen sa paligid ng tubig ng Tubbataha kung saan nangyari ang aksidente at paglubog ng barko.

Aniya, kasalukuyan pa ring hinahanap ng joint SAR team ang apat na nawawalang indibidwal na kinabibilangan ng isang (Chinese) na may-ari ng yate, 3 Pilipino kasama ang dalawang pasahero, at isang dive master.  —sa ulat ni Felix Laban

About The Author