dzme1530.ph

Mahigit 600 Pinoy, nakaalis na sa Khartoum, Sudan —DFA

616 na Pilipino ang nailikas na mula sa Khartoum, Sudan, habang karamihan sa mga ito ay makauuwi na sa Pilipinas sa mga susunod na araw, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni DFA Asec Paul Cortes na mula sa 616 Filipinos na nakaalis na sa Khartoum, 414 ang nakarating na sa Egypt habang ang iba ay nasa Sudan-Egypt border pa o sa Port Sudan patungong Jeddah, Saudi Arabia.

Ang unang batch ng repatriates mula sa Sudan na kinabibilangan ng 17 Pinoy ay dumating sa bansa noong Sabado.

Inihayag ni Cortes na mamayang gabi ay mayroong inaasahang uuwi na 15 at sa mga susunod na araw ay 60.

Tiniyak ng DFA official na unti-unting makababalik ng bansa ang mga Pinoy na naipit sa bakbakan sa pagitan ng military at paramilitary group sa Sudan.

About The Author