dzme1530.ph

Claudine Barreto, burara sa bahay! —Netizens

Inakusahang burara ng netizens ang aktres na si Claudine Barreto matapos itong mag-post sa kanyang Instagram account ng larawan na nagluluto ng lemon buttered chicken.

Bagama’t marami ang nakapansin na fresh na fresh ang mukha ng Claudine, hindi naman nakaligtas ang scotch tape na naka-ikot sa plug ng saksakan o outlet na nasa kanyang likuran.

Delikado raw kasi iyon at dapat ay electrical tape ang ginamit ng aktres para safe.

Kung kaya’t marami na ang nag-komento na burara ang aktres sa bahay dahil nakita na makalat din ang kanyang background sa litrato. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author