dzme1530.ph

Ellen Adarna at Derek Ramsay, target magka-baby ngayong taon

Wala pang planong magbalik showbiz ang aktres na si Ellen Adarna. 

Ito ang inamin ni Ellen kasunod ng kanyang pag-comeout sa isang ribbon cutting event Shinagawa Diagnostic and Preventive Care sa BGC. 

Ayon kay Ellen, mas gusto nila ng kanyang asawa na si Derek Ramsay na i-enjoy muna ang kanilang married life kasama si Elias Modesto, anak nina Ellen at John Lloyd Cruz.  

Giit ni Ellen, ayaw daw muna niyang mag-taping at mag-soap, dahil nagrerequire aniya ito ng maraming energy at oras na malayo sa pamilya. 

Kung kaya’t personal choice niya na mag break muna sa showbiz. 

Ani Ellen, nung ipinanganak niya si Elias ay naging priority niya ito lalo na sa formative years at gusto muna nila na magkaroon ng baby this year ni Derek. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author