dzme1530.ph

Dolly de Leon, malaki ang pasasalamat kay Eugene Domingo

Nagbalik tanaw ang internationally acclaimed Filipino actress na si Dolly De Leon sa kanyang pinagdaan bago natamasa ang tagumpay at kasikatan na mayroon siya ngayon.

Aminado si Dolly na dumaan siya sa mabigat na pagsubok sa buhay at career.

Isa sa mga taong tumulong sa kanya ay ang matalik na kaibigan na si Eugene Domingo.

Kwento ni Dolly, matagal na silang magkakilala ni Eugene mula pa sa kanilang Dulaang UP days sa kung saan sila nagsimula bilang aktor.

Dumating daw siya sa puntong walang wala na kahit pambayad ng kuryente, napatigil pa aniya ang kanyang anak sa pag-aaral dahil wala nang pambayad ng tuition.

Marami aniya sa kanyang mga kaibigan ang sumuporta sa kanya. Pero si Uge ang pinaka malaki ang naitulong dahil sinagot nito ang tatlong taong tuition fee ng kanyang anak.

Hanggang ngayon aniya ay suporta pa rin sa kanyang karera si Uge at binibigyan pa daw siya nito ng tips kanyang susuotin sa mga awards night.

Matatandaang nakilala si Dolly bilang kauna-unahang Pilipinong aktres na na-nominate sa acting category sa prestihiyosong Golden Globe at British Academy for Films and Television Awards (BAFTA) para sa kanyang pagganap sa international film na Triangle of Sadness. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author