dzme1530.ph

PAGBABALIK NG NFA RICE SA MGA PALENGKE, PINAG-AARALAN

Loading

Kinumpirma ni Senador Kiko Pangilinan na pinag-uusapan na ng Department of Agriculture at ng Senate Committee on Agriculture and Food ang pagbabalik ng NFA rice sa merkado.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag bilang tugon sa pagtatanong ni Senator Erwin Tulfo kung may pag-asa bang makabili muli ng murang NFA rice sa mga palengke gaya dati dahil marami anyang naghahanap nito.

Sinabi ni Pangilinan na pinag-aaralan na nila ng DA na amyendahan ang Rice Tariffication Law na nagbawal sa NFA na magbenta ng bigas sa mga palengke o pamilihan.

Ipinagbawal aniya ito dahil naging sanhi ng katiwalian. Mayroong nagre-rebag ng NFA rice para ibenta sa mga pamilihan bilang regular o well-milled rice, kaya isinabatas na mag-iimbak na lang ang NFA ng bigas para sa emergency at kalamidad.

Sa ginagawa nilang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, papayagan ang NFA na maglabas ng bigas sa merkado pero tatakdaan ng safeguards at lilimitahan lang ito sa panahon ng krisis, may emergency at mataas ang presyo ng bigas.

Naniniwala si Pangilinan na malaki ang maitutulong nito para mapababa ang presyo ng bigas.

About The Author