dzme1530.ph

PANAWAGAN NG CHINA SA PILIPINAS NA ITIGIL ANG DEFENSE COOPERATION SA IBANG BANSA, IBINASURA NG DND

Loading

Ibinasura ng Department of National Defense (DND) ang panawagan ng China sa non-regional countries na itigil na ang panghihimasok sa South China Sea.

Sinabi ni DND Spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong na hindi kailangan ng Pilipinas ang permiso ng China tungkol sa pakikipag-partner sa ibang bansa, lalo na sa usapin sa depensa at seguridad.

Tugon ito ng ahensya sa pagbatikos ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Chen Xi sa Philippines-Australia Defense Cooperation Agreement, na ayon sa China ay posibleng magpaigting sa regional tension.

Hinikayat ni Chen ang mga bansa sa labas ng rehiyon na irespeto ang interests ng China sa South China Sea at itigil ang pakikialam sa alitan.

Inakusahan naman ng DND ang China na gumagamit ng puwersa at pananakot sa pag-angkin sa West Philippine Sea at sa iba pang mga teritoryo.

About The Author