![]()
Pumalo ang Philippine exports sa 10 billion dollars noong Oktubre, sa pangunguna ng electronics at semiconductors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Trade Secretary Maria Cristina Roque na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na sumampa sa 10 billion dollars ang exports sa loob ng isang buwan.
Aniya, ang Trade Secretary Maria Cristina Roque na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na sumampa sa 10 billion dollars ang exports sa loob ng isang buwan.
September ang huling buwan na mayroong officially published export statistics.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang merchandise exports noong Setyembre ng 35.6% o sa 9.87 billion dollars, na highest level simula nang umpisahan ang series noong 1991.
