![]()
Isinusulong ng Senate Committee on Finance ang paglalaan ng ₱150 million na pondo para sa maintenance at improvement ng EDSA Busway Project.
Sa pagtalakay ng Senado sa Year 2027 budget ng Department of Transportation, kinuwestiyon ni Senador Erwin Tulfo ang kawalan ng pondo para sa EDSA Busway Service Contracting and Fuel Subsidy Programs.
Ipinaliwanag naman ni Senador JV Ejercito, sponsor ng panukalang budget, na totoong na-zero budget ang EDSA Busway Project sa Year 2027 pero pinabigyan nila ito sa Senado ng ₱150 million.
Sa deliberasyon, kinuwestiyon din ni Tulfo ang kakulangan ng magagandang pier para sa mga roll-on-roll-off o RORO trips, partikular ang biyahe patungo sa island communities ng Palawan at Marinduque.
Hindi lang aniya ito para sa mga turista kundi para sa mga mangingisda.
Ayon kay Ejercito, sinabi ng Philippine Ports Authority na may plano na para sa konstruksyon ng mga dagdag na pier para sa RORO vessels at fishing boats.
Ang Department of Agriculture naman daw ang responsable sa fishing ports.
