dzme1530.ph

TRANSPORT STRIKE NG GRUPONG MANIBELA, UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang transport strike na ikinasa ng grupong Manibela, simula ngayong Lunes hanggang bukas.
 
Sa gitna ito ng reports na posibleng mapalitan ang liderato sa Land Transportation Office (LTO).
 
Sinabi ni Manibela National President Mar Valbuena na mas mainam kung mananatili sa pwesto nito si incumbent LTO Chief Markus Lacanilao upang maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan.
 
Aniya, bagaman inihayag ni Transportation Secretary Vince Dizon noong Biyernes na wala pa namang kumpirmasyon, nais nilang malaman kung kanino galing ang rekomendasyon.
 
Ayon sa transport group, 7 a.m. mag-uumpisa ang kanilang mula sa Agham Road corner East Avenue patungo sa Central Office sa Quezon City.

About The Author