dzme1530.ph

‘CONSTRUCTIVE ENGAGEMENT’ SA PAGITAN NG ASEAN AT US, INAASAHAN NI PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ang ASEAN ng “constructive engagement” kasama ang Estados Unidos sa regional summit.
 
Sa press briefing matapos ang pagsasara ng 49th ASEAN Summit, inihayag ni Marcos na ang kanilang mga meetings ay inaasahang makakabuo ng outcome documents.
 
Gayunman, hindi nag-elaborate ang Pangulo tungkol sa sinasabi nitong expected outcome documents.
 
Kahapon ay dumating sa bansa si US President Donald Trump para dumalo sa ASEAN Summit.
 
5:33 p.m. nang lumapag ang Air Force One, sakay si Trump at kanyang delegasyon, sa Balagbag Ramp ng Ninoy Aquino International Airport.
 
Kasama ni Trump sina US Secretary of State Marco Rubio at Treasury Secretary Scott Bessent.

About The Author