![]()
Nagbabala ang PNP na hindi maaaring gamitin ng mga dayuhang pugante ang Pilipinas bilang taguan, kasabay ng direktiba na higpitan ang pagbabantay sa foreign nationals na wanted sa kanilang mga bansa.
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi dapat ipagkamali ng foreign fugitives ang hospitality ng mga Pilipino bilang lisensya para matakasan nila ang hustisya.
Ginawa ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-aresto sa isang Chinese national na nag-overstay sa bansa sa loob ng halos 12 years.
Ang suspek na nahaharap sa fraud charges sa South Korea ay inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Angeles City, Pampanga.
Inatasan din ni Nartatez ang concerned PNP units na palakasin ang koordinasyon sa Bureau of Immigration upang ma-identify, ma-monitor, at matunton ang mga dayuhang overstaying sa Pilipinas o na-flag dahil sa posibleng pagkakasangkot sa krimen.
