dzme1530.ph

NVIDIA, IBINASURA ANG ‘BRING JENSEN BACK’ CAMPAIGN SA KABILA NG PAGSUPORTA NI US PRESIDENT DONALD TRUMP NA MA-REINSTATE ANG DATING CEO

Loading

Ibinasura ng NVIDIA ang kampanya na nananawagan na makabalik sa trabaho ang co-founder ng kumpanya na si Jensen Huang.

Sa kabila ito ng suporta ng kanyang mga kaalyado, kabilang na si US President Donald Trump, sa “Bring Jensen Back” campaign.

Sinabi ni Trump na tiyak na hindi siya magagalit o maiinis kung maibabalik si Huang sa posisyon, kasabay ng pakikiisa sa mga sumusuporta sa kampanya, gaya ni SpaceX boss Elon Musk.

Gayunman, inihayag ng board ng AI chip giant na hindi na sila interesadong i-reinstate ang former CEO matapos mag-resign noong nakaraang linggo, kasunod ng rebelasyon na nagkaroon sila ng dalawang affairs.

Isa sa naturang affairs ni Huang ay kinasasangkutan ng pinaghihinalaang Chinese spy.

About The Author