dzme1530.ph

SAN BEDA, UUSAD SA SEMIS NG NCAA MEN’S BASKETBALL MATAPOS MALUSUTAN ANG PERPETUAL SA QUARTERFINALS

Loading

Nalusutan ng San Beda University ang matinding pagsubok mula sa University of Perpetual Help System DALTA, sa score na 73-71, sa NCAA Season 102 Men’s Basketball quarterfinals.
 
Pinangunahan ni Aldous Torculas ang San Beda sa kanyang 20 points, kabilang ang tatlong three-pointers habang nagdagdag si Dan Marcelo ng 16 points.
 
Samantala, nanguna sa Perpetual si Gojo Cruz na gumawa ng 18 points habang nag-ambag si Shawn Orgo ng 15 points.
 
Makakaharap naman ng San Beda sa semifinals kung sino ang mananalo sa quarterfinals series sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at De La Salle-College of Saint Benilde.

About The Author