![]()
Muling magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, bukas, November 17.
Ayon sa Department of Energy, aabot sa ₱3.80 ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Aabutin naman ng ₱5.80 ang rollback sa kada litro ng kerosene habang ₱1.50 sa bawat litro ng gasolina.
Sa gitna ito ng inaasahang sobrang global oil supplies ngayong 4th quarter dahil sa pagtaas ng Gulf exports.
Ito ay dahil mas marami nang barko na may dalang suplay ng langis ang naglalakas-loob na maglayag sa Strait of Hormuz sa ilalim ng US escort.
