dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY PROGRAM NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT, TULOY NGAYONG ASEAN SUMMITS

Loading

Tuloy ang pagkakaloob ng libreng sakay ng Office of the Vice President para sa mga commuters sa Metro Manila, mula ngayong araw ng Lunes hanggang sa Miyerkules, November 18.

Ito ay kasama ng isinasagawang 49th ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.

Ayon sa OVP, layunin nito na mabawasan ang gastusin ng mga commuter sa transportasyon at mapagaan ang kanilang araw-araw na biyahe.

Inaasahan din nila ang mas maraming kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kasabay ng ASEAN Summits.

Inilunsad ng OVP ang kanilang flagship Libreng Sakay Program noong 2022 gamit ang limang bus na ipinahiram ng pribadong sektor.

About The Author