![]()
Nagpaalala ang Department of Budget and Management sa lahat ng ahensya ng gobyerno na gawing simple ang pagdaraos ng Christmas party.
Sa inilabas na advisory ng DBM, pinaalalahanan ang lahat ng ahensya na magtipid at maging matalino sa paggastos sa pondo ng pamahalaan sa mga gagawing aktibidad at selebrasyon ngayong December.
Binigyang-diin ng DBM na dapat ay maging simple subalit makabuluhan ang selebrasyon at ipaalaala sa mga empleyado ang mga kinakaharap na pagsubok ng pamilyang Pilipino.
Ipinaalala ng DBM na nahaharap pa ang bansa sa matinding pagsubok dulot ng epekto ng El Niño at tensyon sa Middle East.
