dzme1530.ph

TOP ENVOY NG SLOVAKIA, BIBISITA SA PILIPINAS SA NOV. 12-15

Loading

Nasa Pilipinas si Slovak Minister of Foreign Affairs and European Affairs Juraj Blanár simula bukas, Nov. 12 hanggang 15, para sa isang official visit.

Sa statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito ang unang official visit ng isang Slovak foreign minister sa Pilipinas simula noong 2015.

Sasabak sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Blanár sa bilateral meeting bukas.

Inaasahang tatalakayin nila ang bilateral cooperation sa political and economic relations, maging ang people-to-people ties.

Magpapalitan din ng mga pananaw ang dalawang opisyal hinggil sa regional at international issues.

 

About The Author