![]()
Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na humihingi ng permiso sa korte na maghain ng demurrer to evidence.
Kaugnay ito sa kanyang malversation case sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Layunin ng demurrer to evidence na ibasura ang kaso sa batayan na ang mga ebidensya ng prosekusyon ay hindi sapat upang mapatunayan ang pagkakasala.
Nakatakdang simulan ng depensa ang kanilang presentation of evidence kapag nag-umpisa ang trial sa Nov. 24.
