![]()
Naglagay na ng dedicated lane sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City para sa mga behikulo na magdadala sa mga delegates at VIPs na dadalo sa ASEAN Summit.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na asahan na ang mabigat na trapiko sa lugar.
Ang dedicated lane ay malapit sa center island sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Idineploy din ang ilang security personnel upang matiyak ang seguridad sa lugar kung saan isasagawa ang ASEAN Summit-related activities.
Kabilang dito ang Cultural Center of the Philippines, World Trade Center at Philippine International Convention Center.
