![]()
Umapela ang Malacañang na huwag nang haluan ng pamumulitika ang inilalatag na paghahanda para sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng puna ng mga kritiko na ang pagpapasara pansamantala sa mga karinderya at pagpapaalis sa mga palaboy sa Pasay City at Parañaque City ay pagtatakip sa tunay na mukha ng Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, nakatutok ang administrasyon kung paano magiging maayos at makukumpleto ang preparasyon para sa ASEAN Summit.
Malaking bagay aniya na maipakita sa mga bisita na kayang maibigay ang sapat na seguridad sa mga lider na dadalo sa summit at maipakita ang pagiging hospitable ng mga Filipino.
Iginiit ni Castro na hindi na dapat pinupulitika ang paghahanda at tingnan ang magiging magandang epekto ng hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit.