dzme1530.ph

PAGREPASO SA MGA KASO NG MGA BILANGGONG KWALIPIKADO NG MAKALAYA, IPINANAWAGANG BILISAN

Loading

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa gobyerno na bilisan ang pagrepaso sa mga kaso ng mga bilangguong kwalipikado nang makalaya, lalo na ang mga senior citizen, may sakit at matagal nang nakapiit.

Sa pagbisita ni Marcos sa Correctional Institution for Women o CIW kaugnay ng 32nd National Correctional Consciousness Week, iginiit ng senadora na dapat nang bigyan ng pagkakataong makasama ang pamilya ng mga bilangguong pasok sa mga kondisyon para sa pagpapalaya.

Ayon kay Marcos, nasa 240 na persons deprived of liberty o PDL ang nakatakdang palayain, kabilang ang 54 na senior citizens.

Idinagdag pa ng mambabatas na nasa 810 bilanggo na ang natukoy na kuwalipikadong palayain sa pamamagitan ng executive clemency, parole, pagtatapos ng maximum sentence at iba pang alituntunin sa ilalim ng Department Order Number 625 ng Department of Justice.

Binigyang-diin ni Marcos na dapat unahin ang mga senior citizen na bilanggo, lalo na ang mga may karamdaman at mahigit 20 years nang nakakulong.

About The Author