![]()
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa Philippine National Oil Company o PNOC na samantalahin ang oportunidad na makapagtayo ng strategic petroleum reserves sa bansa sa tulong ng Abu Dhabi National Oil Company o ADNOC.
Ayon kay Gatchalian, handa ang ADNOC na sagutin ang malaking bahagi ng operational requirements para sa itatayong pasilidad kapalit ng paglalaan ng lugar na pagtatayuan nito.
Maaari anyang gamitin ng PNOC ang mga lupang pag-aari nito para sa proyekto at hindi na dapat patagalin ang usapin dahil handa na ang ADNOC na makipagtulungan.
Kabilang sa mga kondisyong nais ng ADNOC ang pagkakaroon ng karapatan ng Pilipinas sa first refusal o unang pagkakataong bumili ng nakaimbak na langis kung kakailanganin ito ng bansa.
Binigyang-diin ni Gatchalian na mahalaga ang strategic petroleum reserves para maprotektahan ang Pilipinas laban sa pagkaantala ng pandaigdigang suplay ng langis at pabago-bagong presyo ng petrolyo.
Sa pamamagitan ng nakalaang reserba ng langis, inaasahang mas mapapatatag ang energy security at mapapangalagaan ang ekonomiya ng bansa sa panahon ng mga pandaigdigang krisis o emergency.
