dzme1530.ph

RULING NG KORTE SUPREMA SA 2024 AT 2025 GENERAL APPROPRIATIONS ACT, HINDI MAITUTURING NA JUDICIAL LEGISLATION

Loading

HINDI itinuturing ni Senador Imee Marcos na judicial legislation ang inilabas na ruling ng Korte Suprema kaugnay sa 2024 at 2025 General Appropriations Act.
 
Sinabi ni Marcos na para sa kanya ay bahagi ng mandato ng Korte Suprema bilang final arbiter ng konstitusyon ang pagpapalabas ng guidelines may kinalaman sa pondo ng bayan.
 
Gayunman, aminado ang senadora na kailangan pa ring maghai ng Motion for Reconsideration ang Kongreso o ang Executive upang maging malinaw kung buong 2024 at 2025 GAA ang maituturing na void.
 
Dapat din anyang matukoy ng Kongreso at ng gobyerno sa kabuuan kung ano ang epekto nito sa mga proyekto at programa na hindi na saklaw ng petisyon na dinesisyunan ng Korte Suprema.
 
Sa desisyon ng Korte Suprema, iginiit na unconstitutional ang naging hakbang ng Kongreso na mag-apruba ng Unprogrammed Appropriations na lagpas sa nakasaad sa National Expenditure Program.

About The Author