![]()
Hihirit ang Office of the Solicitor General (OSG) ng clarification at partial reconsideration sa ilang partikular na desisyon ng Supreme Court na nagdeklara ng unconstitutional sa National Budget Laws noong 2024 at 2025, at legislated provisions na may kaugnayan sa unprogrammed funds.
Ito’y matapos sabihin ng Malacañang na magalang nilang tinututulan ang ilang partikular na bahagi ng ruling sa pamamagitan ng kahilingan sa Kataas-taasang Hukuman na muling suriin ang kanilang ruling.
Kinumpirma ng OSG na natanggap na nila ang kopya ng SC decision, na anila ay kanilang nirerespeto.
Gayunman, kukuwestiyunin nila ang ilang bahagi, partikular ang “guardrails prescribed for the exercise of budgetary powers.”
Sa landmark decision, pinawalang-bisa ng SC ang General Appropriations Acts ng 2024 at 2025 matapos magdagdag ang Kongreso ng appropriations na lagpas sa inirekomenda ng Pangulo sa National Expenditure Program.
