![]()
TINIYAK ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III na hindi mauulit sa 2027 national budget ang mga pagkakamali na pinuna ng Korte Suprema sa 2024 at 2025 General Appropriations Act.
Sinabi ni Sotto na tulad ng ginawa nila sa pagbalangkas ng 2026 national budget, titiyakin nilang magiging transparent ang pagtalakay sa 2027 proposed budget.
Samantala, muli ring tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na hindi nila palulusutin sa panukalang budget ang anumang iregularidad.
Sinabi ni Ejercito na masusi nilang pag-aaralan ang inilabas na ruling ng Korte Suprema para matukoy ang implikasyon sa preparasyon, approval at implementasyon ng 2027 national budget.
