dzme1530.ph

ILANG FARM TO MARKET ROAD PROJECTS NA MAY COORDINATES SA DAGAT, KINUWESTYON SA PAGBALANGKAS NG BUDGET NG DEPT. OF AGRICULTURE –

Loading

PINUNA ng isang civil society organization ang ilang farm to market road projects ng Department of Agriculture na makikita ang coordinates malapit sa karagatan.
 
Sa paggtalakay ng 2027 porposed budget ng DA, sinabi ni Kenneth Abante, co-convenor ng People’s Budget Coalition, nadiskubre nila na nakapaloob sa panukalang budget ang P23 million road project sa Nueva Ecija subalit ang coordinates ay nasa Benham Rise.
 
Mayroon din anyang P30 million road na ipinapanukala sa Cebu subalit ang coordinates ay nasa Celebes Sea at P55 million road para sa Quezon province pero ang coordinates ay nasa karagatan malapit sa Brunei.
 
Iginiit ni Abante na kailangang mabusisi ang mga naturang infrastructure project.
 
Inihayag din ni Abante na nag-insert ang Kamara ng kabuuang 355 na bagong proyekto na nagkakahalaga ng halos P6 billion para sa farmm to market roas na hindi naman nakapaloob sa National Expenditure Program.
 
Wala anyang proper documentation ang mga naturang insertions kaya’t babala niya na kung ito ay papayagan posibleng magkaroon ng Flood Control Scandal Season 2.

About The Author