dzme1530.ph

PALASYO, NANAWAGAN KAY SEN. BATO DELA ROSA NA SUMUKO NA PARA MAIWASAN ANG PAGDANAK NG DUGO

Loading

Hinikayat ng Malacañang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na sumuko na at harapin ang arrest warrant na inisyu laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC) upang maiwasan ang posibleng marahas na komprontasyon.

Sa press briefing, nanawagan si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kay Dela Rosa na sumuko na para wala nang dugong dadanak.

Ginawa ni Castro ang panawagan matapos isiwalat ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si Dela Rosa ay nasa ilalim ng proteksyon ng isang grupo na may mga armadong tauhan.

Sa bahagi ng Palasyo, umapela si Castro sa mga nagkakanlong sa senador na huwag magsilbing kasangkapan ng mga taong dapat ay managot sa batas.

Matatandaang inisyuhan ng ICC ng arrest warrant si Dela Rosa kaugnay sa drug war ng nakalipas na Duterte administration.

About The Author