![]()
Hiniling ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at co-accused na si JP Mendoza sa Sandiganbayan na payagan silang maghain ng mosyon para sa dismissal ng ₱92.8 million na malversation case na iniuugnay sa maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ang tinutukoy ng Sandiganbayan Third Division ay ang pahintulot mula sa korte para sa paghahain ng demurrer to evidence na isinumite nina Revilla at Mendoza.
Ang demurrer to evidence ay isang pleading na humihiling sa hukuman na ibasura ang kaso dahil sa mahinang ebidensya.
Noong July 31 ay nagpasya ang 3rd Division ng anti-graft court, sa botong 2-1, na katigan ang petisyon ni Revilla na makapagpiyansa, sa dahilang nabigo ang prosekusyon na magprisinta ng “iota of proof” o kahit maliit na ebidensya na nagpapatunay na pumayag na tumanggap ng advance kickback ang dating senador.
Itinakda ng Sandiganbayan ang cash bond ni Revilla sa ₱1 million para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
