dzme1530.ph

MALAKANYANG, HIHILINGIN SA SUPREME COURT NA MULING SURIIN ANG RULING SA 2024 AT 2025 BUDGETS

Loading

Hihilingin ng Palasyo sa Supreme Court na suriin muli ang kanilang ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang General Appropriations Acts (GAAs) sa mga taong 2024 at 2025 bunsod ng budget increases na ginawa ng Kongreso.

Inanunsyo ito ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa press briefing, sa pagsasabing tinututulan ng Malacañang nang may paggalang ang ilang partikular na bahagi ng ruling ng Kataas-taasang Hukuman.

Sinabi ni Castro na inatasan na ang Office of the Solicitor General na maghain ng motion for reconsideration.

Inihayag ng Supreme Court na pinawalang-bisa ang 2024 budget bunsod ng ₱449.5-billion increase sa unprogrammed appropriations.

Habang ang 2025 GAA ay pinawalang-bisa rin dahil sa additional ₱17.99 billion para sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inihayag ng SC na ang dalawang naturang adjustments ay nagresulta sa pagtaas ng total recommended appropriations ng Pangulo.

About The Author