dzme1530.ph

MABILIS NA APPROVAL SA HINIHINGING 2027 BUDGET NG OVP, DINEPENSAHAN NG CHAIRMAN NG SENATE FINANCE COMMITTEE

Loading

Dinipensahan ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito ang naging mabilis na approval sa hinihinging 2027 budget ng Office of the Vice President.

Sinabi ni Ejercito na pangunahing dahilan nito ang traditional courtesy sa Office of the Vice President at ang mababang hinihinging budget.

Ipinaliwanag ng senador na tradisyon na sa Kongreso na binibigyan ng kortesiya ang Office of the President kaya laging mabilis ang pag-apruba sa panukalang budget nito para sa susunod na taon, at gayundin aniya ang ibinigay sa OVP.

Bukod dito, kabilang aniya ang OVP sa iilang ahensya ng gobyerno na hindi nanghingi ng dagdag na budget para sa 2027 at sa halip ay binabaan pa ng higit 11 percent ang hiningi kumpara sa budget nito ngayong taon na ₱889 million.

Sa budget hearing, sinabi ni OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez na bumaba ang hinihingi nilang budget dahil nire-recalibrate o pinag-aaralan nila ang effectivity ng kanilang programa.

Matapos ang budget hearing kahapon, hindi sinagot ni Lopez ang tanong ng media kung napag-usapan nila kung haharap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, habang “very well” lang ang isinagot sa tanong kung kumusta ang Bise Presidente.

About The Author