![]()
Sugatan ang isang Grade 7 student matapos umanong saksakin ng kaklase sa loob ng San Pablo City Science Integrated School sa San Pablo City, Laguna, nitong Lunes.
Nabatid na naganap ang insidente habang nakabreak ang mga estudyante.
Tinawag umano ng suspek ang biktima sa gilid ng gusali ng paaralan kung saan siya inatake gamit ang isang maliit na kutsilyo.
Nagtamo ang biktima ng mabababaw na sugat sa leeg, batok at pisngi at nasa stable na kondisyon na ito matapos mabigyan ng first aid.
Iniimbestigahan kung may kinalaman sa bullying ang insidente habang patuloy ang pagsisiyasat kung paano naipasok sa paaralan ang ginamit na patalim.