dzme1530.ph

VISAYAS GRID, MULING ILALAGAY SA RED AT YELLOW ALERT

Loading

Muling ilalagay sa red at yellow alert status ang Visayas Grid ngayong araw ng Martes.
 
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ipatutupad ang red alert mula 5 p.m. hanggang 6 p.m.
 
Yellow alert naman mula 3 p.m. hanggang 5 p.m. at mula 6 p.m. hanggang 8 p.m.
 
Sinabi ng NGCP na ang available capacity sa Visayas Grid ay 2,468 megawatts gayung ang peak demand ay nasa 2,545 megawatts.

About The Author