dzme1530.ph

ILANG KONGRESISTA, NAGLABAS NG PAHAYAG PARA IPANAWAGAN ANG PAGPAPATALSIK KAY AMBASSADOR JING QUAN

Loading

Naglabas ng nagkakaisang pahayag ang siyam (9) na kongresista para ipanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging firm sa pagpapatalsik kay Ambassador Jing Quan ng China.
 
Hindi katanggap-tanggap sa mga mambabatas ang anila’y pananakot ni Jing sa paggamit ng puwersa laban sa Pilipinas.
 
Hindi lamang anila ito salita kundi pattern of intimidation, aggression at kawalan ng respeto sa Pilipinas bilang isang bansa.
 
Para sa siyam na kongresista, ang “undiplomatic language” ng embahada laban sa host country ay sapat na batayan para ideklara ang Chinese ambassador bilang persona non grata.
 
Ang siyam na kongresista ay kinabibilangan nina:
 
Rep. Zia Alonto Adiong ng 1st District, Lanao del Sur;
Rep. Arlene “Kaka” Bag-Ao ng Dinagat Islands;
Mga kinatawan ng Akbayan Party-list na sina Reps. Percival “Perci” Cendaña, Jose Manuel “Chel” Diokno at Dadah Kiram Ismula;
Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party-list;
Rep. Cielo Krisel Lagman ng Albay 1st District;
Rep. Karl Fernandez Legazpi ng Pinoy Workers Party-list; at
Rep. Mark Anthony Santos ng lone district ng Las Piñas City.

About The Author