dzme1530.ph

NAUNGKAT NA P319-M REMITTANCES SA KUMPANYANG NAUUGNAY SA MISTER NI VP SARA, SISILIPIN NG KAMARA

Loading

Sisilipin ng Kamara de Representantes ang naungkat na ₱319-M China-linked remittances sa kumpanyang nauugnay sa asawa ni VP Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Ito ang ibinunyag ni Bicol Saro Party-List Rep. Terry Ridon, kung saan tampok sa iimbestigahan ay ang Cale88 Food Corp.

Ayon kay Ridon, magkahiwalay na iimbestigahan ng Kongreso ang financial transactions sa Cale88 at pro-China propaganda activities sa Pilipinas.

Nag-ugat ang kontrobersiya nang ibunyag sa Senate impeachment court ng AMLC ang pagpasok ng kabuuang ₱319-M remittances mula sa mainland China at Hong Kong sa account ng Cale88.

Kinumpirma na rin ng National Security Council ang pagsisiyasat sa nasabing remittances.

Posibleng sa susunod na linggo o sa muling pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Nov. 9, masimulan ang House inquiry.

About The Author