![]()
Mahigit isang libong special permits ang inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga public utility vehicles para sa Undas break.
Ayon kay LTFRB Acting Chairperson Greg Pua Jr., kabilang sa mga inisyuhan ng special permits ay mga bus, mini bus at passenger vans.
Sa gitna ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero para sa Undas.
Sinabi ni Pua na maglalagay din sila ng LTFRB desks sa mga bus stations para magproseso pa ng karagdagang special permit kung kinakailangan.
