![]()
Sa kabila ng pakikipaglaban sa cancer, ipinagdiwang ng komedyanteng si Ate Gay ang buhay sa pamamagitan ng pagdaraos ng “living funeral” na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Sa mga serye ng post sa kanyang Facebook page, ipinasilip ni Ate Gay o Gil Aduc al Morales sa totoong buhay ang pagtitipon na ginanap sa Biñan, Laguna.
Dumalo sa mala-burol na event ang kanyang mga kapwa comedian na sina Boobsie Wonderland, Jaka, at Pegasus, at social media personality na si Arman Salon, na nagbahagi ng madamdaming mga mensahe, kapalit ng eulogies.
Nilagyan ni Ate Gay ang kanyang post ng caption na “Celebration of Life. Undas ko 2026,” habang all smiles kasama ang mga mahal sa buhay.
