dzme1530.ph

CHOCO MUCHO, NA-SWEEP ANG ZUS COFFEE PARA SA IKALAWANG PANALO SA PVL ALL-FILIPINO CONFERENCE SIKLAB

Loading

Na-sweep ng Choco Mucho ang ZUS Coffee, 25-20, 25-17, 25-20, sa PVL All-Filipino Conference Siklab series, sa Ynares Center sa Antipolo.
 
Pinangunahan ni Sisi Rondina-Rosales ang Flying Titans sa kanyang 15 points habang nag-ambag si Eya Laure ng 13 points, para sa 2-0 record ng Choco Mucho.
 
Samantala, walang player ng ZUS Coffee ang naka-score ng double digits sa kanilang season opener.
 
Pinangunahan ni AC Miner ang Thunderbelles sa kanyang 9 points habang nagdagdag si Zam Nolasco ng 8 points.
 
Tumagal lamang ang match ng isang oras at dalawampu’t anim na minuto, kung saan nasungkit ng Choco Mucho ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa conference. 

About The Author