dzme1530.ph

CASH REMITTANCES, LUMOBO SA MAHIGIT 3 BILLION DOLLARS NOONG AGOSTO, AYON SA BSP

Loading

Tumaas ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Agosto, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
 
Naitala sa 3.035 billion dollars ang perang ipinadala ng mga Pinoy na nasa abroad, sa pamamagitan ng mga bangko, na mas mataas ng 1.9% kumpara sa 2.98 billion dollars na nai-record noong August 2025.
 
Simula Enero hanggang Agosto, umabot na sa 23.424 billion dollars ang cash remittances, na mas mataas ng 2.2% kumpara sa 22.909 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Nananatili ang United States bilang biggest source ng inflows sa 39.8%, sumunod ang Singapore, 7.1%, at Saudi Arabia, 6.3 percent.

About The Author