![]()
Target ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na itigil na ang kanilang casino operations sa 3rd o 4th quarter ng 2027.
Ito ay sa gitna ng napipintong government approval sa privatization ng kanilang Casino Filipino business.
Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, inaasahang isusumite na ng Governance Commission for Government-Owned-or-Controlled Corporations o GCG ang kanilang rekomendasyon sa ipinapanukalang decoupling ngayong buwan.
Ang decoupling ay paghihiwalay ng commercial casino operations ng PAGCOR mula sa kanilang regulatory functions.
Layunin nitong matiyak na nakapokus ang PAGCOR sa pagbabantay sa gaming industry sa halip na makipagkompetensiya sa private operators na kanila ring niri-regulate.
Sa ngayon, 35 casinos ang pinamamahalaan ng PAGCOR, kung saan 12 ang kanilang ino-operate at 23 ang saklaw ng revenue-sharing arrangements sa private partners.
Inaasahang kikita ang PAGCOR ng ₱20 hanggang ₱30 billion sa panukalang privatization.
