![]()
Target ng Department of Public Works and Highways na makumpleto ang expansion ng sidewalks sa kahabaan ng EDSA mula Roxas Boulevard sa Pasay City hanggang Guadalupe sa Makati City, bago matapos ang taon.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, inaasahan nilang matatapos ang sidewalk expansion sa EDSA-Roxas Boulevard intersection sa Pasay bago ang Undas holiday.
Saklaw ng proyekto ang northbound at southbound ng kalsada na naglalayong mabigyan ng mas malawak na espasyo para sa pedestrians, partikular sa mga commuters na gumagamit ng busy intersection.
Aminado ang kalihim na challenging ang proyekto sa Pasay dahil sa dami ng mga obstructions o mga nakaharang na establishments na umookupa sa sidewalk.
