![]()
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. si Social Security System President Robert Joseph Montes de Claro bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology kapalit ni Henry Aguda.
Matatandaang nag-resign si Aguda matapos ang kontrobersiya sa pagba-ban sa online platform na Discord.
Sinabi ng Pangulo na nilagdaan na niya ang ad interim appointment kay De Claro.
Si De Claro anya ay may background din sa digital economy at sa digital world.
Samantala, nagpasalamat naman si De Claro sa mga empleyado ng SSS at humingi ng paumanhin dahil hindi na makapagpaalam nang maayos sa kanila.
Sinabi pa ni De Claro na pag-aaralan niya ang lahat ng proyekto, budgets at procurement ng DICT kasabay ng pagtiyak na babalangkas sila ng mga programa para sa DICT.
