dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, DARATING SA PILIPINAS PARA SA ASEAN SUMMIT

Loading

Kinumpirma ng Malacañang na darating sa Pilipinas si US President Donald Trump para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang kumpirmasyon, subalit sinabi niya na hindi sa kanya manggagaling ang mga detalye.

Tikom din ang bibig ni Castro nang tanungin kung ang pagbisita ni Trump ay konektado sa paglagda sa Pax Silica Framework.

Bagaman hindi tinukoy ang eksaktong petsa ng pagdating ng US President sa bansa, gaganapin ang 49th ASEAN Summit and Related Summits simula sa Nov. 16 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Inaasahan din ang pagdalo ng world leaders mula sa ASEAN at iba pang partner countries sa naturang event.

About The Author