dzme1530.ph

PANANAHIMIK NG SENATE MAJORITY BLOC SA INAKSAYANG PONDO AT PANAHON NG HOUSE PROSECUTION PANEL SA IMPEACHMENT, KINUWESTYON

Loading

Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pananahimik ng Senate majority sa withdrawal ng House Prosecution Panel sa tatlong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Atty. Salvador Paolo Panelo, tagapagsalita ni VP Sara, na kung sa regular na korte, tiyak na makakatikim ng sermon ang prosekusyon mula sa hukom dahil sa pag-aaksaya ng kanilang oras.
 
Tanong ni Panelo kung hindi ba nasayang ang oras ng Senate majority o hindi ba sila nanghihinayang sa nagamit sanang panahon para tugunan ang mga kritikal na pangangailangan ng bansa.
 
Dagdag na tanong ng abogado kung sino ang dapat managot sa nawaldas na pondo sa mga nakalipas na paglilitis na anya’y kasinlaki ng sinasabing nilustay na confidential fund ni VP Sara.
 
Hinala pa ni Panelo na ninanais lamang na i-disqualify ang leading presidential candidate sa 2028.

About The Author